Isang fish vendor and di-umanoy nagtitinda ng ipinagbabawal na marijuana ang naaresto sa isang buy-bust operation nitong madaling araw ng Sabado, June 22, sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
Ang operasyon ay kinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Romblon, Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office, at ng Romblon Municipal Police Station.
Kinilala ang naaresto na si Roi Alvin Mangao Atanoc, 21-anyos, residente ng Barangay II, Romblon, Romblon.
Ayon sa spot report mula sa pulisya, nakuhaan di umano ang suspek ng anim na transparent plastic sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa halos 8 grama at nagkakahalaga ng P2,000.
Nakakulong na ngayong ang suspek sa Romblon Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa sakanya.
Mahaharap si Atanoc sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comrehensive Dangerous Drugs Act of 2002.