Magkasama na ngayon matapos ang tatlumpung taon pagkawalay sa isa’t isa mula pa noong 1988 ang magkapatid na Noche sa tulong ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at ng Regional Consular Office ng Department of Foreign Affairs sa Palawan.
Kwento ni Teresita Guyo Noche-Santos, 2017 nang mag-post sa Facebook ang alkalde ng Odiongan kung saan hinahanap nito ang mga kamag-anak ng kapatid niyang si Elvessa. Nakita umano si Elvessa na naka-confine ito sa isang hospital sa Amerika at hindi malaman kung sino ang kasama niya doon.
“Nakipag-ugnayan ako kay Mayor Trina, at finorward niya ako sa DFA-Palawan hanggang sa makarating sa DFA-Manila at inasikaso ang papeles namin para magpapatunay na kapatid kami ni Elvessa,” kwento ni Teresita.
Si Elvessa ay naging isang public school teacher sa Quezon City sa loob ng 7 taon hanggang sa nagdesisyong mag-abroad noong 1988 sa edad na 40-years old.
“Actually our dilemma begun when our mother passed away. We wanted to inform her the news but we cant as we dont know where she lives, until we saw the post of Mayor Trina,” pahayag ni Teresita.
“May halos mahigit isang taon rin kaming nag-antay na makauwi siya, dahil idinaan pa sa korte sa Manila ang pag-proseso sa kanyang papeles para makauwi. May sakit kasi siya kaya at nakalimot kaya kailangang idaan sa korte yung paglipat niya dito,” dagdag ni Teresita.
December 06 ng makauwi ng Pilipinas si Elvessa at ngayon ay kasama na ni Teresita at ng kanyang mga kapatid matapos ang 30-taong pagkakawalay.
“Gusto ko lang magpasalamat sa mga tumulong sa amin, lalo sa Consular Office ng DFA, at kay Mayor Trina dahil kung wala sila, hindi sana namin malalaman yun diba? Walang kaming kaalam-alam doon eh. Tuwang-tuwa kami kasi finally, nakita na namin siya,” tuwang-tuwang na kwento ni Teresita sa Romblon News Network.
Isa umano ito sa pinakamagandang regalong natanggap nila sa buong buhay ng kanilang mga magkakapatid.