Inaprubahan ng Provincial Development Council sa pangunguna ni Governor Eduardo Firmalo nitong Miyerkules ang 20% development fund ng 2019 annual development plan ng probinsya na aabot sa halos P166-million pesos.
Ang 2019 annual development plan ay aabot sa halos P1-billion pesos at ito’y inaasahang ipapasa ng Provincial Government sa Sangguniang Panlalawigan sa mga susunod na buwan para maipasa.
Isa sa mga binigyan ng budget ng probinsya ay ang paglaban ng probinsya sa Human immunodeficiency virus infection (HIV) at acquired immune deficiency syndrome (AIDS), binigyan rin ng budget ang Local Disaster Risk Reduction and Management, Senior Citizens at Persons with Disabilities, GAD, at iba pa.
Ayon kay Governor Eduardo Firmalo, hindi pa kasama sa budget at programa na ibaba ng mga national agencies sa probinsya.