Dinagsa kahapon ng mga deboto ng Sto. Niño de Romblon ang Saint Joseph Cathedral sa Romblon, Romblon para sa taunang Tonton, salitang Romblomanon sa pagbaba ng imahe ng Sto. Niño galing sa Pedestal.
Dala ng mga deboto ang mga panyo, at towel nila para ipahid sa salaming kahon ng Sto. Niño na inikot sa sentro ng nasabing bayan.
Pahirapan ang paglabas sa imahe hanggang sa maibalik ito dahil sa dami ng sisiksikang mga tao para masaksaihan ang taunang aktibidad.
Ang Tonton ay hudyat ng isang linggong fiesta sa lugar para sa santo na kung saan pinaniniwalaang nakapag pagamot ng ilang Romblomanon, at nakasagot sa panalangin ng ilang deboto.
Pinaniniwaalan ri ng mga deboto na iniligtas ng Sto. Niño de Romblon ang probinsya ng Romblon sa hagupit ng Super Typhoon Yolanda at sa bagyong Ruby ng manalasa ito sa bansa.