Opisyal nang ibinalik ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang sa pagsisimula ng linggong ito kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enformcement Agency (PDEA), at ilang mga taga-private sectors katulad ng media.
Kasabay ng pagbabalik ng Oplan Tokhang sa Manila, sumunod rin ang Romblon, Romblon sa pagpapatupad nito.
Sa bayan ng Romblon, Romblon, 4 sa 9 na drug personality na pinuntahan ng mga operatiba ang sumama patungong Romblon Municipal Police Station para boluntaryo sumuko at linisan ang kanilang mga pangalan.
Sinabi na ng Philippine National Police (PNP) at Macalañang na hindi magiging madugo ang bagong Oplan Tokhang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, panghahawakan nila ang pahayag ng PNP na hindi na magiging madugo ang kanilang anti-drug campaign at susunod sa rule of law para hindi na muling makaladkad sa kontrobersiya ang mga pulis.