Aabot sa five hundred thousand peso (P500,000) halaga ng Shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa ginawang Buy-Bust Operation sa Barangay Mangingisda, Puerto Princesa City, Palawan nitong 10:25 PM ng January 24.
Ayon sa Regional Public Information Office ng PNP MIMAROPA, isinagawa ang operasyon ng grupo ng Philippine Drug Enforcement Agency at Station Anti-illegal Drugs (SAID) ng Irawan Police Station sa Palawan.
Nadakip sa operasyon sina Dominador Peñalosa, 52 years old, subject ng operasyon; Marites Monfiel Peñalosa, 45 years old, barangay kagawad ng Barangay Magkakaibigan at asawa ni Dominador; isang Daniel Calvo, 26 years old at isang Romel Basaya Enriquez, 38 year sold.
Ayon sa Regional Public Information Office, naghatid umano ang grupo nina Dominador Peñalosa ng P500 worth ng shabu lamang sa isang poseur buyer. Nang maiabot ni Dominador Peñalosa ang shabu, agad itong inaresto ng pulisya.
Nakuha sa posisyon ni Dominador Peñalosa ang isang P500 bill na marked money, apat na P500 bill, at twenty pieces na P100 bill. Nakuha naman sa posisyon ng asawa ni Dominador Peñalosa na si Marites ang shabu na aabot sa mahigit 50 grams na nagkakahalaga umano ng P500,000.
Nakuha naman kina Calvo at Enriquez ang ilang sachet na may lamang dried leaves, at ilang drugs paraphernalia.
Nakakulong na ang apat sa Puerto Princesa City Police Office at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa ilang sections ng Republic Act 9165 o mas kilalang Dangerous Drugs Act of 2002.