• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Wednesday, October 7, 2026
28 °c
Romblon
27 ° Thu
27 ° Fri
27 ° Sat
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Khan Academy, namahagi ng mga tablet sa mga pampublikong paaralan sa Romblon

    Khan Academy, namahagi ng mga tablet sa mga pampublikong paaralan sa Romblon

    DTI Romblon, suportado ang digitalization ng palengke sa Calatrava

    DTI Romblon, suportado ang digitalization ng palengke sa Calatrava

    Romblon teachers, tatanggap ng tig-5 kilo ng bigas mula sa provincial government

    Romblon teachers, tatanggap ng tig-5 kilo ng bigas mula sa provincial government

    Lalaking nambato sa mga salamin ng Barangay Hall sa Cajidiocan, arestado

    Lalaking nambato sa mga salamin ng Barangay Hall sa Cajidiocan, arestado

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    KWF, kikilalanin ang ortograpiya ng tatlong wika ng Romblon

    Halos isang libong Romblonanon, nakinabang sa Diskwento Caravan ng DTI

    DTI Romblon, magsasagawa ng In-store Diskwento Caravan sa 7 bayan sa October 9-10

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    DTI Romblon, handang tumulong sa mga negosyanteng maaapektuhan ng El Niño

    DTI Romblon, inilatag ang mga aktibidad para sa Consumer Welfare Month ngayong Oktubre

    DTI Romblon, inilatag ang mga aktibidad para sa Consumer Welfare Month ngayong Oktubre

    DTI Romblon, hinikayat ang mga kabataang IT na magtayo ng tech startups

    DTI Romblon, hinikayat ang mga kabataang IT na magtayo ng tech startups

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
27 ° Thu
27 ° Fri
27 ° Sat
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Tablas Island Ferrol

Kaso ng mga magsasaka vs. Fruelda, Iringan sa Buyco Estate, ibinasura ng korte

Paul Jaysent FosbyPaul Jaysent Fos
August 22, 2026
in Ferrol, Odiongan
Reading Time: 14 mins read
608
0
Kaso ng mga magsasaka vs. Fruelda, Iringan sa Buyco Estate, ibinasura ng korte
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinasura ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Odiongan-Ferrol ang kasong forcible entry na isinampa ng Anahao-Canduyong-Tubigon Farmers' Association (ACTFA) at ilang magsasaka laban kina Atty. Javie De Jesus-Fruelda, Ralph Molina Fruelda at Engr. Paul Anthony Iringan kaugnay ng bahagi ng kontrobersyal na Buyco Estate.

Sa 45-pahinang desisyong nakuha ng Romblon News Network, sinabi ng korte na nabigo ang mga magsasaka na mapatunayan na sila ay may aktuwal at prior physical possession sa mga partikular na bahagi ng Lot No. 3675 na kanilang sinasabing inagaw o pinasok ng mga respondent.

Ang Buyco Estate ay sumasaklaw sa mga lugar sa Barangays Anahao at Canduyong sa Odiongan at Barangay Tubigon sa Ferrol.

Sa isang kasong forcible entry, kailangang mapatunayan ng nagsasakdal na mayroon silang aktuwal na pisikal na posesyon sa lupang pinag-uusapan bago sila umano napatalsik dito sa pamamagitan ng puwersa, pananakot, pagbabanta, pandaraya o palihim na pagpasok.

Ayon sa korte, hindi sapat na natukoy ng mga plaintiffs kung aling eksaktong bahagi ng Lot No. 3675 ang aktuwal nilang hawak o sinasaka bago ang sinasabing dispossession.

Isinumite ng ACTFA at mga kasamang plaintiffs ang iba't ibang dokumento, kabilang ang mga titulo, Emancipation Patents, tax declarations at mga rekord mula sa Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources, bilang suporta sa kanilang mga claim.

Gayunman, sinabi ng korte na ang mga dokumentong ito ay hindi awtomatikong nagpapatunay na ang bawat plaintiff ay may aktuwal at agarang pisikal na posesyon sa mismong mga partikular na bahaging sakop ng kaso.

Hindi rin itinuring ng korte na sapat na patunay ng prior physical possession ng ACTFA at mga kasalukuyang plaintiffs ang mga naunang kaso na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng Buyco Estate.

Ayon sa desisyon, ang mga kasong nabanggit ay may kaugnayan sa land registration proceedings at maaaring magsilbing bahagi ng historical background ng ari-arian, ngunit hindi nito pinatutunayan ang aktuwal at tuloy-tuloy na pisikal na posesyon ng ACTFA o ng bawat individual plaintiff sa mga partikular na lupang pinag-aagawan sa kasalukuyang kaso.

Binigyang-pansin din ng korte ang mga pangyayari bago ang paglalagay ng steel gate sa isang ingress ng property noong Oktubre 3, 2025.

Batay sa mga ebidensiyang iniharap, may mga road-opening activities na isinagawa sa lugar noong 2024, bago pa ang insidenteng naging sentro ng reklamo ng mga plaintiffs.

Isinaalang-alang din ng korte ang iba pang ebidensiyang iniharap ng mga defendants, kabilang ang presensya ng caretaker sa property, paglalagay ng “No Trespassing” signs noong Hulyo 2024, tree-planting activities noong Hunyo 2024, at iba pang gawain kaugnay ng pangangasiwa at pagmomonitor sa lugar.

Sinabi ng korte na ang mga ito ay nagpapakita ng mga hayagang gawain ng pangangasiwa at presensya sa property bago pa ang Oktubre 2025.

Binigyang-diin din ng hukuman na ang pangunahing isyu sa kasong forcible entry ay hindi kung sino ang may-ari ng lupa o kung sino ang may mas mataas na karapatan dito, kundi kung sino ang may aktuwal na pisikal na posesyon bago ang sinasabing pagpasok o dispossession.

“The absence of proof of the plaintiffs' prior physical possession necessarily precludes the grant of the principal relief of restitution of possession,” ayon sa desisyon ng korte.

Gayunman, nilinaw ng desisyon na ang naging pagbasura sa kaso ay nakabatay sa kabiguang mapatunayan ang kinakailangang prior physical possession sa isang forcible entry case. Hindi nito pangunahing pinagpasiyahan ang usapin ng ownership o legal na karapatan sa Buyco Estate, na isang hiwalay na usapin mula sa ejectment proceeding.

Related Posts

BFP Odiongan, nagsagawa ng annual fire at earthquake drill sa Isiah Hospital

BFP Odiongan, nagsagawa ng annual fire at earthquake drill sa Isiah Hospital

October 5, 2026
Odiongan SB, inaprubahan ang ordinansa para sa educational incentives ng graduating students

Odiongan SB, inaprubahan ang ordinansa para sa educational incentives ng graduating students

October 5, 2026

Popular Stories

  • Away ng dalawang company driver sa Magdiwang, nauwi sa pananaksak

    Sibuyan District Hospital, kinondena ang insidente ng sigawan at pagmumura sa loob ng pasilidad

    636 shares
    Share 254 Tweet 159
  • Lalaking nambato sa mga salamin ng Barangay Hall sa Cajidiocan, arestado

    49 shares
    Share 20 Tweet 12
  • Romblon teachers, tatanggap ng tig-5 kilo ng bigas mula sa provincial government

    46 shares
    Share 18 Tweet 12
  • OFW mula Sibuyan, nagpahayag ng hinaing sa access sa NAIA OFW Lounge

    40 shares
    Share 16 Tweet 10
  • DTI Romblon, hinikayat ang mga kabataang IT na magtayo ng tech startups

    23 shares
    Share 9 Tweet 6
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Sta. Fe SHS, nag-install ng campus CCTV system para sa seguridad

Magsaysay Local Access Road, sinimulan nang ayusin sa Santa Fe

Magdiwang National High School, nagkampeon sa pambansa at panrehiyong robotics competitions

TRENDING FOR THE MONTH

Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up