Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatatag ng isang mas pinagtibay na industriya para sa critical minerals sa bansa sa ilalim ng Executive Order No. 122 na nilagdaan noong Augst 21.
Layunin ng kautusan na palakasin ang pagmimina at pagproseso ng mahahalagang mineral para sa clean energy, digital transformation at advanced technologies, habang isinusulong ang responsible at sustainable mining.
Inatasan din ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), na tukuyin at paunlarin ang mga lugar na may potensyal na critical mineral deposits.
Ayon sa MGB, may tinatayang siyam na milyong ektarya ng mga lugar sa bansa na may mataas na potensyal para sa iba't ibang yamang mineral.
Kabilang din sa mga hakbang ang pagpapalawak ng domestic processing ng mineral, pagpapatupad ng mahigpit na environmental safeguards, at isang “use it or lose it” policy para sa mga mining tenements.



































Discussion about this post