Pinailawan na kagabi ang pinakamalaking christmas tree sa buong lalawigan ng Romblon na matatagpuan sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island.
Ang nasabing christmas tree na gawa sa kawayan na niligyan ng display na mga parol at ilang pailaw ay nagmistulang simbolo ng bayan ng pailawan dahil sa laki nito.
May taas ang nasabing christmas tree ng mahigit 90ft, mas mataas kesa sa nakaraang taon na umabot lamang sa halos 86ft; ito ay matatagpuan sa parke ng nasabing bayan. Maari ka ring umakyat sa gilid ng christmas tree at maglakad paikot rito.
Kahit na dinaan ng bagyong Marce nitong Biyernes, itinuloy parin ang pagpapailaw bilang pagpapakita ng katatagan ng probinsya.
Sinibayan ang pagpapailaw ng maikling programa na dinaluhan ng aabot sa 1,000 bisita mula sa iba’t ibang bayan.
Nag tanghal ang mga kabataan at mga estudyante, ang ilan nagpakita ng kakaibang talento sa pag beatbox, ang ilan naman nagpakita ng pagsasayaw ng mga Christmas Songs. Ang isang grupo sinayaw pa ang kantang Jingle Bell Rock.
Isang grupo rin ang nagpakita ng kanilang galing sa pagsayaw ng interpretative dance sa himig naman ng ‘Pasko na Sinta ko’.
Maliban sa giant christmas tree, atraksyon rin sa bayan ang iba’t ibang both na may mga makukulay na pailaw na gawa ng bawa’t barangay ng bayan ng Alcantara.
Hindi naman maiwasang magpakuha ng litrato ang mga bumisita at nag-abang sa lighting ng nasabing christmas tree.