Nagpatawag ngayong araw si Vice Mayor June Gadaoni ng emergency meeting sa bayan ng Looc, Romblon kasunod ng nangyaring sunog kahapon sa Looc Public Market.
Ayon kay Vice Mayor June Gadaoni ng makausap ng Romblon News Network, kanila pang inaalam kung kinakailangan ba nilang maglabas ng State of Emergency dahil sa nangyari.
Sinabi rin ni Vice Mayor Gadaoni na aabot sa mahigit 2-million pesos ang total na goods na nasira ng sunog.
Pansamantala rin umanong pinagamit muna sa mga stall owners ang bagong public market na malapit sa dagat upang paglagyan muna umano ito ng naisalba nilang gamit.
Ayon kay Vice Mayor Gadaoni, hindi pa umano ito pwedeng i-open dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito naibibigay sa munisipyo ng Looc ng implementeng agency ng proyekto.
Patuloy naman na inaalam ng Bureau of Fire Protection Looc kung saan nga ba talaga nagsimula ang sunog.