by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 20 January 2016
Pormal nang umupo nitong nakaraang araw si Police Chief Superintendent Ramon Colet Apolinario bilang bagong Regional Director ng Philippine National Police para sa Region 4B MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).
Si PCSupt Apolinario ay umupo apat na araw matapos na mag retire si PCSupt Dennis Peña na matagal ring nag serbesyo bilang Regional Director ng PNP sa rehiyon.
Pang-sampu na Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA si PCSupt Apolinario at miyembro ng Class “SANDIWA” ng Philippine Militaray Academy (PMA) Class 1985.
Si PCSupt Apolinario ay tubong Pangasinan at anak ng dating miyembro ng Philippine Navy at guro.
Sa isinagawang seremonya sa Camp Efigenio C Navaro sa Calapan City, sinabi ni PCSupt Apolinario na patuloy niyang tutukan ang pagsasaayos sa mga kapulisan at ang patuloy na pag-implement ng OPLAN LAMBA-SIBAT at paglaban sa mga illegal na druga.
Sinabi rin niya na handa siyang mag bigay ng reward para sa mga personel na magpapakita ng magandang performance sa kanyang pamumuno ngunit sinisigurado niya rin na mananagot ang pulis na dudungisan ang kanilang trabaho.
“I declare my open door policy. My door as your Regional Director and the door of all the officers you see here before, you shall always be open to anyone at any given time, for a visit,a grievance or better yet an idea that will help improve our performance as a Regional Command, I enjoin all may Commanders on the ground to do the same . Together! Let us focus our efforts to give the public the Police Service they truly deserve,” pahayag ni PCSupt Apolinario sa seremonya ng kanyang pag-upo.