Bukas na sa publiko ang kauna-unahang Italian Restaurant sa bayan ng Looc, ang Hot Burgy Resto Italy na matatagpuan sa Barangay Punta katabi lamang ng Petron Gasoline Station.
Bukod sa malawak at maaliwalas nitong lugar, Italian inspired rinn ang loob nito para sa mga costumers na naghahanap ng ‘instagramable' na bibistahin sa bayan ng Looc; maging sa mga kagamitan ay mararamdaman mong nasa bansang Italy ka.
Ayon kay Paolo Natascia, best seller nila ang masarap at paborito ng pinoy na Homemade Hamburger, Shawarma, Italian Pasta at ang siyempre ang fresh dough sa Pizza, na patok na sa panlasang pinoy. Meron rin silang Empanada, Nuggets, Fresh Fruit Shakes, Frappë, Coffee at mga Combo Meal na abot kaya ang presyo. Tumatanggap din ang Hot Burgy Resto Italy ng orders para sa cakes at iba pang Italian pastries.
Aniya, dahil halos dalawang taon na rin silang nagluluto at nagbebenta ng pagkain tulad ng cakes, burger at pizza sa Looc, ikinatuwa ni Natascia nang magkaroon siya ng sariling pwesto para matikman ng mga Romblomanon at ng mga turistang napapadaan dito ang masasarap nilang pagkain.
Available din ang lugar para sa lahat ng okasyon. Para sa mga katanungan, reservations at bookings, maaring tumawag sa +63920-623-1300.




































