Isang bahay ang nasunog sa Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon bandang alas-7:30 ng gabi noong Agosto 14.
Ayon sa paunang imbestigasyon, napansin ng isang residente ang usok na nagmumula sa katabing bahay. Nang tingnan niya ang pinagmumulan nito, nakita niyang nilalamon na ng apoy ang bahay ng isang 42-anyos na magsasaka.
Agad na iniulat ang insidente sa Cajidiocan Fire Station at Cajidiocan Municipal Police Station. Rumesponde ang mga pulis upang tiyakin ang seguridad sa lugar at magbigay ng kinakailangang tulong.
Agad ding dumating ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cajidiocan at matagumpay na naapula ang apoy. Idineklarang under control at tuluyang naapula ang sunog bandang alas-8:50 ng gabi.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang natamo ng ari-arian.



































Discussion about this post