Patay ang isang binata matapos masangkot sa isang road crash incident na kinasasangkutan ng isang motorsiklo sa Sitio Mainit, Barangay Pato-o, Odiongan, Romblon madaling araw ng Huwebes, June 18.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-4:25 ng umaga sa isang kurbadang bahagi ng barangay road sa nasabing lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa isang konkretong bakod. Posibleng nakainum ang rider nang mangyari ang aksidente.
Nagtamo ng matinding pinsala ang rider at agad na isinugod ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ambulance sa Romblon Provincial Hospital para sa agarang medikal na atensyon.
Gayunman, idineklara siyang patay ng mga doktor dahil sa tinamong maraming pinsala sa katawan bunga ng aksidente.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang iba pang detalye kaugnay ng pangyayari.
Samantala, sinabi ng Odiongan Municipal Police Station na magpapatuloy at paiigtingin nito ang pagpapatupad ng mga checkpoint operation at iba pang traffic law enforcement activities sa munisipalidad.



































Discussion about this post