Nagkampeon sa katatapos lamang na Provincial Athletic Meet 2025 ang Unit 1 Romblon sa elementary level at Unit 11 Looc sa secondary level. Ang torneo ay ginanap noong Pebrero 1–5, 2025 sa bayan ng Odiongan.
Sa elementary level, nanguna ang Romblon matapos makakuha ng 23 gold, 18 silver, at 21 bronze medals. Pinakamalaking ambag sa kanilang panalo ang swimming event kung saan nakakuha sila ng 10 gold medals—7 mula sa swimming boys at 3 mula sa swimming girls. Malaki rin ang naitulong ng arnis girls na may 4 golds, table tennis boys na may 3 golds, at taekwondo girls na may 3 golds.
Pumangalawa ang Unit 2 Cajidiocan na may 15 gold, 18 silver, at 10 bronze medals. Namayagpag ang Cajidiocan sa athletics, kung saan nakakuha sila ng 10 golds—5 mula sa athletics boys at 5 mula sa athletics girls. Dagdag pa rito, nakakuha rin sila ng 3 gold medals sa chess boys.
Pumangatlo ang Looc na may 13 gold, 14 silver, at 13 bronze medals. Pinakamalaking ambag sa kanilang medal tally ang athletics girls na may 5 golds at table tennis girls na may 3 golds.
Nasa ikaapat na puwesto ang Unit 8 San Fernando na may 13 gold, 12 silver, at 18 bronze medals. Pinakamalaking tagumpay nila ay sa arnis boys na may 6 golds, arnis girls na may 3 golds, at chess boys na may 3 golds.
Panglima naman ang Unit 4 Alcantara na may 12 gold, 6 silver, at 1 bronze medals. Ang kanilang 12 gold medals ay nakuha lahat mula sa dance sport event.
Sa iba pang resulta, nagtapos sa pang-anim na puwesto ang Unit 12 Calatrava na may 11 gold, 6 silver, at 8 bronze medals. Pampito ang Unit 13 Magdiwang na may 9 gold, 15 silver, at 16 bronze medals. Pangwalo ang Unit 3 Odiongan–Ferrol na may 9 gold, 5 silver, at 13 bronze medals. Pangsiyam ang Unit 5 SAA na may 7 gold, 13 silver, at 10 bronze medals. Pangsampu ang Unit 10 PRISAA na may 6 gold, 3 silver, at 4 bronze medals. Panlabing-isa ang Unit 9 SANSAA na may 2 gold, 3 silver, at 12 bronze medals. Panlabindalawa ang Unit 14 SAMAA na may 1 gold, 4 silver, at 7 bronze medals. Panlabintatlo ang Unit 7 MAGHALI na may 1 gold, 3 silver, at 2 bronze medals, habang nasa panlabing-apat na puwesto ang Unit 6 San Andres na may 8 silver medals.
Sa secondary level, tinanghal na overall champion ang Unit 11 Looc matapos mangolekta ng 52 gold, 41 silver, at 28 bronze medals. Pumangalawa ang Unit 1 Romblon na may 36 gold, 29 silver, at 34 bronze medals, habang pumangatlo ang Unit 9 SANSAA na may 22 gold, 20 silver, at 16 bronze medals.
Pang-apat ang Unit 3 Odiongan–Ferrol na may 18 gold, 20 silver, at 28 bronze medals, habang nasa ikalimang puwesto ang Unit 2 Cajidiocan na may 15 gold, 30 silver, at 22 bronze medals. Pang-anim ang Unit 13 Magdiwang na may 15 gold, 16 silver, at 25 bronze medals. Pampito ang Unit 4 Alcantara na may 8 gold, 7 silver, at 12 bronze medals. Pangwalo ang Unit 8 San Fernando na may 8 gold, 1 silver, at 11 bronze medals.
Sa iba pang ranking, panlaban ang Unit 14 SAMAA na may 5 gold, 5 silver, at 8 bronze medals. Pangsampu ang Unit 7 MAGHALI na may 3 gold, 3 silver, at 7 bronze medals. Panlabing-isa ang Unit 5 SAA na may 2 gold, 7 silver, at 12 bronze medals. Panlabindalawa ang Unit 10 PRISAA na may 2 gold, 5 silver, at 6 bronze medals. Panlabintatlo ang Unit 6 San Andres na may 2 gold, 2 silver, at 9 bronze medals, habang nasa panlabing-apat na puwesto ang Unit 12 Calatrava na may 2 gold, 2 silver, at 5 bronze medals.
Matagumpay na naisagawa ang Provincial Athletic Meet 2025, at patuloy na umaasa ang mga atleta at kanilang mga tagasuporta na mas lalo pang lalakas ang sports development sa buong probinsya ng Romblon.