Mahigit 500 magsasaka sa Romblon ang naapektuhan ng bagyong Kristine, na nagdulot ng malawakang pinsala sa agrikultura sa lalawigan.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), umabot sa 300 ektarya ng sakahan ang napinsala, kung saan 268 ektarya ang lubos na nasira. Ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Romblon ay umabot sa P24,343,687.
Ang pinsalang ito ay bahagi ng mahigit P300 milyong halaga ng pinsala sa buong rehiyon ng MIMAROPA dahil kay Kristine. Pinakamalaking napinsala ang Oriental Mindoro, na may higit sa P295 milyong pinsala sa 3,652 ektarya ng sakahan, samantalang naapektuhan din ang 608 ektarya sa Marinduque at 1,139 ektarya sa Occidental Mindoro.
Inanunsyo ng DA na magkakaloob ang pamahalaan ng suporta sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at Philippine Crop Insurance Corporation, upang makatulong sa kanilang agarang pagbangon mula sa mga pinsalang dulot ng bagyo.