Ilulunsad ng Starlite Ferries Incorporated ang bagong rutang mag-uugnay sa Romblon at Aklan, na inaasahang magsisimula bago matapos ang taon.
Batay sa mga source, tatahakin ng barko ang rutang Batangas–Romblon–Dumaguit, Aklan, na magbibigay ng karagdagang opsyon sa mga biyahero patungo at mula sa Romblon at Aklan.
Ang bagong ruta ay bahagi ng pagpapalawak ng serbisyo sa paglalayag upang maging mas madali at maginhawa ang pagbibiyahe, pag-uwi at pagbisita sa Romblon.
Inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye hinggil sa iskedyul at iba pang impormasyon sa bagong ruta.

























