Nagpakita ng kanyang personal na suporta si Congressman Eleandro Madrona sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa hiling na prangkisa ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) para sa mga isla ng Simara, Banton, at Sibale.
“I came here to personally support this House bill because, you know, this franchise, to be frank about it, ROMELCO, as a franchisee, covers only up to now four towns of their franchise area. These three additional island towns are not yet officially covered,” ayon kay Madrona.
Sa kasalukuyan, ang ROMELCO ang namamahala sa pagpapatakbo ng kuryente sa mga isla ng Romblon at Sibuyan.
Naikwento ni Madrona sa hearing na ngayon ay walong oras lang nagkakaroon ng suplay ng kuryente sa mga nabanggit na isla at madalas nakakaranas ng brownout kapag walang diesel fuel.
“So, I did remember asking the help of ROMELCO to kindly cover this. And here we are now in support of a franchise, for them to be given so they can officially and extensively operate already in these three island towns,” dagdag pa ni Madrona.
Ikinatuwa naman ni Senator Grace Poe na chairman ng Senate Committee on Public Services sa pagpapakita ni Congressman Madrona ng suporta sa ROMELCO na naglalayong mabigyan na maayos ng suplay ng kuryente ang tatlong maliit na isla sa lalawigan.
Pasado na sa senate committee ang House Bill No. 9154 na nagbibigay ng prangkisa sa ROMELCO.