Total ban sa pagpasok ng pork products mula sa kahit anong munisipyo sa lalawigan ng Romblon ang ipinatutupad na ng lokal na pamahalaan ng Odiongan bilang pag-iingat sa banta ng African Swine Fever (ASF) alinsunod sa executive order na inilabas ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Kasunod ito sa kauna-unahang kaso ng ASF na naitala sa Tablas Island nitong Martes.
Kaugnay nito, maglalatag ng surveillance at monitoring team sa lahat ng entry points ng Odiongan ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Barangay Officials, at Municipal Agriculture Office.
Pagbabawalan rin ang mga restaurants na mamigay ng mga “kaning baboy” mula sa kanilang mga kusina at inutusang i-dispose ito ng maayos.