Masaya ang pasko ng mga empleyedo ng lokal na pamahalaan ng Odiongan na contractual at job order (JO) ang employment status sa munisipyo. Ito ay matapos na makatanggap sila ng P5,000 na gratuity pay o incentive mula sa lokal na pamahalaan ng Odiongan kamakailan.
Sa Kapihan sa PIA Romblon nitong December 23, sinabi ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic na may aabot sa 400 contractual at job order employees ang nakatanggap ng kanilang incentive ngayong taon.
Sa unang pagkakataon rin ay nakapagbigay rin ng incentive ang lokal na pamahalaan sa lahat ng Bantay Dagat, Tanod, Barangay Health Workers, Tanods, at Barangay Nutrition Schoolars sa 25 barangay ng Odiongan. Tumanggap sila ng mula P1,800 hanggang P5,000 rin na incentive.
Ang nasabing incentive ay pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa serbisyo na iginawad ng mga JOs para sa munisipyo.
“It’s really a way of us to show our appreciation sa ginagawa nila para sa mga kabaranggayan througout every year,” pahayag ng alkalde.
“Malaking bagay na rin ito kasi for Noche Buena, meron na silang panggastos,” dagdag pa nito.