Dalawang mangingisda mula sa Quezon ang kinupkop ng mga tauhan ng Romblon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos silang matagpuang palutang-lutang sa Barangay Alad.
Ayon sa dalawang mangingisda, nasira ang makina ng kanilang bangka kaya nagpalutang-lutang sila sa dagat hanggang sa matagpuan sila malapit sa Alad.
Kwento pa ng dalawa, November 30 pa sila pumalaot at 2 gabing nagpalutang-lutang lamang sa dagat.
Binigyan sila ng medical assistance, accomodation, pagkain, damit, at hygiene kits ng MDRRMO Romlon sa pamumuno ni Caesar Malaya, bago ipasundo sa mga kamag-anak mula sa San Andres, Quezon.
Nakabalik na ang dalawang mangingisda sa kanilang lugar.