Nanumpa bilang myembro ng Aksyon Demokratiko si Romblon Vice Governor Dong-Dong Ylagan ngayong araw kay Mayor Isko Moreno sa lungsod ng Manila.
Kaakibat ng pagsumpa bilang bagong myembro ay ang pagtatalaga rin sa kanya bilang Provincial Chairman ng partido sa Probinsya ng Romblon.
Sa isang panayam, sinabi ng bise gobernador na siya ay nagpapasalamat na makasama sa parehong partido ang Mayor ng Manila.
Maalalang si Mayor Isko ay nag deklara kahapon ng kanyang kandidatura bilang Pangulo ng Pilipinas at pumapangalawa sa huling survey ayon sa Pulse Asia.
Dagdag ni Ylagan, isang magandang inspirasyon si Mayor Isko bilang lider dahil sa magandang naipamalas nito sa pandemic response, gaya ng pamamahagi ng mga gamot na libre para sa Covid-19, at agaran at malawakang pagbibigay ng bakuna. Kahanga hanga rin umano ang “Political Will” ng Mayor dahil sa nagawa nitong linisin ang syudad ng Manila, napabuti ang peace and order situation at agarang nakapg patupad ng mga pabahay para sa mahihirap.
Inihayag rin ni Vice Gov Ylagan na sa kanilang pag uusap ay maganda rin ang naiwang alaala ng Mayor ng Manila sa Probinsya ng Romblon dahil sa mainit na pag tanggap sa kanya ng mga Romblomanon noong ito ay siya ay naimbitahang bumisita taong 2016 upang dumalo sa pag titipon ng mga Barangay Captain sa probinsya.
Dagdag pa na pahayag ng Bise Gobernador ay iminungkahi nya rin kung sakaling tanggapin ng taong bayan ang aplikasyon ni Mayor Isko bilang pangulo ay nais nitong matutukan ang mga Hospital sa maliliit na probinsya gaya ng Romblon upang magkaroon ng sapat na pasilidad gaya ng CT-scan, dialysis machine at maging RT-PCR na madalas ay kinakailangan ng ating mga kababayan.
Sa panunumpang ginanap, ay inaasahan na rin ang pag simula ng pormal na pagbubuo ng mga magiging line up ng oposisyon sa Probinsya ng Romblon.