Naghandog ng libreng gupit para sa mga bata ang ilang grupo sa Barangay Canduyong sa bayan ngn Odiongan, Romblon kamakailan.
Pinangunahan ito ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi Canduyong Cummunity Chapter at Sigma Lamda Phi sa pakikipagtulungan ng Odiongan Municipal Police Station, Kabataan Kontra Droga sa Terorismo (KKDAT-Canduyong), Sangguniang Kabataan at Barangay Council ng Barangay Canduyong,
Masaya namang nagpagupit ang mga bata kung saan ilan sa kanila ay hindi pa nakakapagupit sa Poblacion dahil sa pagbabawal parin ang paglabas ng mga ito dahil sa umiiral na community quarantine.
Maliban sa libreng gupit, nagsagawa rin ng libreng programa ang mga kapulisan kung saan tinalakay ni PMSg Danny Lanogon ang paksa tungkol sa Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awarness, at mga tip kung paano makaka-iwas sa krimen sa kalye.
Si PSMS Chesyl Garcia naman, hepe ng Public Community Relations ng PNP, ay tinalakay ang online safety para sa mga bata, kanilang mga karapatan, human trafficking at sexual harrasment.
Samantala, nagpahiram naman ng mga story book para sa may aabot sa limampong mga bata, ang Libre-On-The-Go Project ng Odiongan Municipal SK Federation.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang hasain ang sahamahan ng KKDAT at iba pang mga kabataan sa kanilang responsibilidad sa lipunan at iligtas sila mula sa pinsala na dulot ng droga at hindi mabiktima ng huwad na pangako ng makakaliwang grupo.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong din na maging mas
malapit sa komunidad ang mga kapulisan.