Maliban kay Medina, lalaban rin sa 2019 Sea Games na nagsimula noong Sabado ang pambato naman ng Romblon sa larong Indoor hockey, na si Apple Morgado.
Tubong Romblon, Romblon si Morgado at taong 2017 pa ng magsimulang sumali sa mga international competition.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Morgado, sinabi nitong malaking obligasyon ang mapabilang sa hanay ng mga national athlete na lalaban sa Sea Games at kailangan umano talaga ang tiyaga, sipag at ang desiplina sa sarili para dito.
“Dahil Pilipinas na ang Pinaglalaban mo at hindi ito basta basta. Ang masasabi ko lang na mapabilang ako sa Indoor Hockey Team na sasabak ngayong sa Sea games ay masaya dahil isa ka sa pambato ng bansa pero andun din yung presure dahil tayo yung host kaya dapat pag igihan para ipanalo ang laban para sa bayan,” ayon kay Morgado.
“Syempre po pinapasalamatan ko una si God. Tapos yung mga Boss namin Sir Jing Arroyo sir Chi Busque, sir Delmar na hindi napapagod sumuporta sa Team, at sa mga coaches namin, sa mga family, friends at mga kababayan at Romblomanon,” pasasalamat ni Morgado.
Hiling ni Morgado na sana suportahan ng lahat ang mga atletang Pilipino lalo na ang mga Romblomanon na atleta.
We Win As One Apple!