Isang vote counting machine (VCM) ang sandaling nagkaproblema habang nagaganap ang botohan ngayong umaga sa Barangay Dapawan, Odiongan sa Romblon.
Ayaw tumanggap ng balota ang VCM ng Commission on Elections (Comelec) kaya ang mga balota, pinaiwan muna ng Chairman ng Board of Election Inspector at ng COMELEC sa isang desk sa harap ng chairman ng BEI.
Agad namang pinaayos ng COMELEC ang nasabing VCM sa isang IT na naka-assign sa presinto.
Ang mga balotang iniwan ng mga botante ay isinubo ng Chairman ng Board of Election Inspector sa sa machine matapos umandar ang machine bandang alas-9:30 ng umaga. Ginawa ito sa harap ng mga watchers at ng ilang media para masigurong nabilang ang mga balotang iniwan ng mga botante.
Patuloy parin ang halalan sa nasabing Barangay.