Pumalo na sa 6.7% ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas ayon sa inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, October 05.
“Inflation rate in September 2018 further accelerated to 6.7 percent from 6.4 percent in August 2018,” ayon sa pahayag ni PSA chief Lisa Grace Bersales.
Ito umano ang pinakamataas mula pa noong February 2009 kung saan umano noon sa 7.2% ang inflation rate ng bansa.
Sa pagtaas ng inflation ay isinisi ng Malakanyang ang naitalang record-high sa mataas na presyo ng langis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paglobo ng inflation ay dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.