Bagamat sa darating pang ika-10 ng Disyembre 2017 ang pormal na pagtatapos ng Ika-15 Anibersaryo ng RAGIPON, na taon-taong ginaganap sa Lipa City, Batangas, maituturing na ng mga opisyales at mga nag organisa nito sa pamumuno ng kanilang presidente na si Engr. Chris Fornal na isa na naman itong matagumapay at punung-puno ng saya na aktibidad ng mga taga Sibale.
Nagsimula ang Ragipon noong ika-24 ng Septyembre bilang isa sa mga bahagi ng pagdiriwang ng kapiyestahan ng patron ng Sibale, ang Immaculada Concepcion, na kung saan ay ibat-ibang mga aktibidad ang isinasagawa kagaya ng Novena, ang masayang Ragipon Cup at ilang mga Socio-civic na mga gawain.
Katulad ng mga nagdaang Ragipon, masaya ang mga nag-organisa nito pati na rin ang mga nagsissipaglahok dahil laging marami ang tumatangkilik at sumasali dito.
Ayon nga kay Engr. Chris Fornal, patunay lang umano ito na talagang nagkakaisa, nagkakabuklud-buklod, at magkakalapit ang lahat na Sibalenhon.
Ngayong taon, ang pamunuan ng Ragipon ay lubos na nagpapasalamat sa mga tao at grupong nagbigay ng suporta gaya ng lokal na pamahalaan ng Sibale, ang pamahalang lokal ng Lipa City sa pangunguna ng butihing Vice-Mayor Eric Africa, Konsehal Nonie Monfero, Konsehal Gwendolyn Wong, Konsehal Bibong Mendoza, Konsehal Camille Lopez at Brgy. Sabang Chairman Fred Lescano, at ang Sibale Development Foundation, Inc.
Sa Sabado na, ika-10 ng Disyembre, 2017, ang huling araw ng pagdiriwang ng 15th Anibersaryo ng Ragipon kung saan ay inaanyayahan ang lahat na dumalo. Gaganapin ito sa Villa Buenaflor Resort na matatagpuan sa Brgy. Sahud-ulan, Tanza, Cavite.