{googleads center}
Namahagi ng alagaing biik ang Munisipyo ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa dalawang barangay na kanilang nasasakupan kamakailan.
Nagbigay ang Local Government Unit ng Odiongan ng 7 piglets sa Anahao PWDs (Persons with Disabilities) Association para sa kanilang hog dispersal livelihood project.
Nagsagawa rin ng maikling orientation at seminar sa kung paano mag-alaga ng biik hanggang sa maparami at maibenta nila ang mga ito.
Sa Barangay Tabobo-an naman nagbigay rin ang Local Government Unit ng Odiongan ng ilang mga piglets para sa Tabobo-an Farmers Association.
Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na anim na taon na ang sinasabi nilang Interbarangay hog dispersal program.
Pinagkalooban rin ang Tabobo-an Farmers Association nang shallow tube well na nagkakahalaga ng P170,000 bilang tulong sa vegetable gardening ng assocation.