{googleads center}
Simula ngayong araw ay bibilhin na ng Local Government ng Odiongan ang mga plastic bottle na siniksikan ng mga basurang plastic.
Ito ang inanunsyo ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa maikling programa na ginanap sa harap ng Munisipyo ng Odiongan para i-launch ang ‘Trash in a Bottle’ program ng Munisipyo.
Ang nasabing programa ay makakatulong sa pagbabawas ng mga basurang plastic at plastic bottles sa Odiongan at pag-convert sa mga ito para maging EcoBricks na magagamit sa pagpapatayo ng mga waiting sheds, at 1-storey school buildings.
Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, nagkakahalaga ng P3 hanggang P12 ang mga plastic bottles na siksik ang laman dipende umano ito sa laki ng lagayan.
Maaring tumungo sa Office of the Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Odiongan para magbenta ng kanilang mga plastic bottles.