Simula ngayong araw ay Long-Term Evolution o LTE na ang nasasagap na signal ng mga smart phones at 4G Ready Mobile Broadbands.
Ayon sa Globe Telecom, ang Poblacion, Odiongan ang kailangan nilang i-upgrade dahil sa dumarami na ang users ng Globe sa lugar.
Isusunod naman nila ang bayan ng Looc na maaring maging LTE na rin ang signal sa susunod na araw.
Ang Odiongan ang kauna-unahan sa buong Romblon na nagkaroon ng 4G Signal ayon sa Globe Telecom.
Sa speed test ng Romblon News Network, umabot ng 10mbps ang download speed at 9mbps ang upload speed gamit ang LTE ready smartphone.
{googleads center}