Seven na graduate sa Romblon State University Department of Engineering and Technology ang nakapasa sa katatapos lamang na September 2017 Registered Master Electricians Licensure Examination na ginanap sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban at Zamboanga.
43.75% ito ng kabuoan na kumuha ng nasabing pagsusulit, ayon sa resulta na nilabas ng Professional Regulation Commission ngayong September 07, tatlong araw pagkatapos ng nasabing pagsusulit.
Sa pangkalahatan 2,643 out of 3,864 sa buong Pilipinas ang nakapasa sa katatapos lang na licensure examination na inihanda ng Board of Electrical Engineering na sina binubuo nina Engr. Francis V. Mapile, Chairman at Engr. Jaime V. Mendoza, Member.
Wala pang opisyal na listahan na nilalabas ang Department of Engineering and Technology ng Romblon State University kung sino ang pito.
Pero ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, ang tatlo sa kanila ay sina Engr. Allana Alain Marquez Cangson; Engr. Samuel Mabulac Reyes at Mark Christian Montesa Amar, RME.
{googleads center}