Pinababalik ng Commission on Audit (COA) sa kaban ng bayan ang sobra sa P20,116 na pera na ginastos ng Munisipyo ng Ferrol, Romblon pang gasulina sa isang private-owned vehicle over sa equivalent fare ng customary mode of transportation.
Ayon sa 2016 Annual Audit Report na nilabas ng COA, nagkaroon ang Munisipyo ng Ferrol ng Reimbursement para sa gasulina kahit na ipinagbabawal ito sa Section 4 (2) ng Presidential Decree 1445 at COA Circular No. 96-004.
“Likewise, refund of the excess reimbursed gasoline cost over the equivalent fare for the customary mode of transportation is recommended.” nakasaad sa bahagi ng COA Report.
Nakasaad sa COA Circular No. 96-004 na “no reimbursement of the cost of gasoline and oil shall be allowed a private vehicle is used”.
Kinunsidera ito ng COA na irregular expenditures base na rin umano sa COA Circular No. 2012-003.
Sinabi naman umano sa Commission on Audit ng Municipal Accountant na handang ibalik o i-refund ni Ferrol, Romblon Mayor Jovencio Mayor ang nasabing pera.