Nagsama-sama ang mga kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Deputy Chief Police Inspector John Anthony Angio at ang 15 na mga Japanese Environmental students galing sa Rikuyu University Japan sa pangunguna ni Yuta Hashimoto para sa isang tree planting activity sa Provincial Tree Park sa Barangay Rizal, Odiongan, Romblon ngayong araw.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, aabot sa 50 narra seedlings ang naitanim ng grupo.
Ang nasabing aktibidad ay tinawag nilang “Trees for Peace” na bahagi na rin ng National Peace Month Celebration at 23rd National Crime Prevention Week.
Layunin ng aktibidad na makapagbahagi ng kahit kakaunti para sa matulungan ang Mother Earth sa epekto ng Global Warking at bilang suporta na rin sa kampanya ng kapulisan na PNP Makakalikasan Program. Malaking tulong rin ang ganitong aktibidad lalo sa pag develop ng relasyon sa mga foreign tourists na bumibisita sa probinsya ng Romblon lalo na sa bayan ng Odiongan.
{googleads center}