Anim na bayan pa sa lalawigan ng Romblon ang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA na drug-cleared town ngayong araw, September 12.
Ayon kay PDEA-MIMAROPA Assistant Regional Director Ryan Calzenas, ang mga bagong drug-cleared towns ay ang mga bayan ng Magdiwang at San Fernando sa Sibuyan Island, Alcantara, Santa Fe, at Ferrol sa Tablas Island at bayan ng San Jose sa Carabao Island.
Karagdagan ito sa mga nauna ng bayan na nai-delcare na ‘drug-cleared’, ito ay ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, at Santa Maria, at Calatrava.
Sinaksihan ang pag-declare kanina ng mga representative galing sa Department of Health, Department of Interior and Local Government, ilang opisyal ng bayan. Present rin sina Governor Eduardo Firmalo, at Romblon Provincial Police Office Director Leo Quevedo.
Ayon kay Governor Firmalo, hindi nagtatapos dito ang trabaho ng kapulisan, hindi umano porke drug-cleared na ang kanilang lugar ay matutulog na ang mga pulis rito. Dapat umano mas magbantay ang kapulisan gayun na rin ang gobyerno para hindi bumalik sa pagdo-droga ang mga dating sumuko na sa pulisya.
Dahil dito, tanging ang mga bayan nalang ng Odiongan, Romblon, Cajidiocan, Looc, at San Agustin ang hindi pa nade-declare na drug-cleared.
{googleads center}