May pahiwatig si Mayor Trina Firmalo-Fabic kaugnay sa maaring lagay ng bayan ng Odiongan sa mga susunod na taon.
Batay sa vision o pangarap ng munisipyo ng Odiongan na kanilang binuo noong July 2016, sinabing ang Odiongan ay nagsusumikap na para maging isang lungsod.
“Bayang mangunguna sa lalawigan na nagsusumikap maging isang lungsod; na naka agapay sa mga kababayang mapagmamal at may takot sa Diyos, mapagkalinga, may paninidigan, masipag, matatag sa mga hamon ng buhay at malusog; na nagtatrabaho para sa progresibong ekonomiya at pinapahalagahan ang kalikasan tungo sa pangkahalatang kaunlaran na ginagabayan ng matatapat, may paninidigan at aktibong mga namumuno.” ayon sa Vision ng Odiongan na binasa ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang unang State of the Municipality Address o ‘Ulat Sa Bayan’ nitong July 31.
“Ang mga programa at proyekto ng inyong munisipyo ay naka angkla sa vision o pangarap na ito at sa layunin nating makapag bigay ng Serbisyong May Puso,” dagdag ng alkalde.
Sinabi rin ng alkalde na ang Odiongan Municipal Police Station ay magpapatayo ng isang City Type Police Station sa Barangay Dapawan na maaring maitayo sa susunod na taon.
Read more: LGU Odiongan, pinagkaloob na sa PNP Odiongan ang 600sqm lot para sa bagong Municipal Police Station
Nagbiro rin ang alkalde kaugnay sa kakulangan ng populasyon ng Odiongan para sa pagiging City Hood nito.
Aniya, dahil sa planong pagkakaroon ng Birthing Center at pagbibigay ng baby box sa mga mangangak rito, baka dumami na ang mga taga-Odiongan na gustong manganak dahilan para maabot na ang population requirement para maging siyudad.
Batay sa batas para maging siyudad ang isang bayan kailangan nitong: una magkaroon ng atleast P100 Million average annual income sa loob ng dalawang taon; pangalawa, magkaroon ng atleast 100 square kilometers land area o di kaya’y umabot ng 150,000 ang populasyon ng bayan.
Ngunit ayon sa column ni Judge Cirille Maduro Foja sa pahayagang Romblon Sun, sinabi nitong kahit isa lang sa land area or population ang mapunan ng Odiongan para sa requirement.
Read More: Odiongan City by Lee Fabello Foja y Fradejas Maduro (Romblon Sun)
{googleads right}
Ayon sa datus, ang land area ng Odiongan ay aabot na sa 185.67 square kilometers o 85.67 mahigit sa requirement ng batas habang ang populasyon naman ay halos 100,000 mahigit pa ang kailangan.
Malayo pa rin umano ang average annual income ng Odiongan sa P100 Million dahil noong 2015 umabot lamang ng P30,123,470.54 at noong 2016 naman ay umabot ng P32,909,710.33. Kailangan umano ng Odiongan na magkaroon ng local income na P167,090,289.67 ngayong 2017 para maabot ang requirement ngunit malabong mangyari umano ito ngayong taon.