Pinarangalan ng Department of Science and Technology MIMAROPA Region (DOST-MIMAROPA) ang Shapes Bakeshop sa Odiongan sa Romblon bilang 2017 Best Technopreneur para sa core category sa ginanap na awarding ceremony nitong August 17 sa Virginia Centurione Bracelli School, Odiongan, Romblon.
Ang Shapes Bakeshop na pagmamay-ari ni Kim Fernandez ay pagawaan ng mga masasarap na tinapay na kilala sa Tablas Island, Romblon katulad ng ugoy-ugoy at ang tipin.
Ayon kay Kim, isang registered nurse, nagsimula ang kanilang business bilang ACF Bakeshop na pinapatakbo ng kanyang mga magulang. Nagdesisyon umano siyang umuwi from abroad at iwan ang trabaho para magtayo ng business sa Odiongan at sa tulong ng DOST mas napaganda ni Kim ang kanyang bakeshop.
Malaki umano ang pasasalamat ni Kim sa kanyang mga magulang at sa Department of Science and Technology dahil sa naging successful ang kanyang business. Layunin ni Kim na umabot ang kanyang market sa karatig bayan ng Tablas ang Romblon Island, Sibuyan Island at Mindoro Island.
Wagi rin sa non-core category ang Balanacan Multi-Sectoral Credit Cooperative, isang samahan ng mga gumagawa ng kilalang vacuum fried dilis.
Ang Balanacan Multi-Sectoral Credit Cooperative ay naka base sa probinsya ng Marinduque.
Nagpasalamat naman si Celso Quinto, Presidente ng Balanacan Multi-Sectoral Credit Cooperative dahil sa malaking tulong ng DOST-MIMAROPA sa kanilang mga produkto.
Nakatanggap ang parehong winner ng certificate, trophy at P30,000 cash na pandagdag sa kanilang puhunan.
{googleads center}