Ilang postpaid subscribers na ng PLDT Ultera ng Philippine Long Distance Telephone sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nagrereklamo online matapos ang halos ilang araw ng problema sa kanilang mga internet connection.
Ayon sa mga subscribers, tila ‘restricted’ ang ilang websites sa kanilang internet access dahil hindi ma-access ang mga ito maliban sa Facebook, Google, at Youtube; at kung hindi umano restricted napakabagal ang download and upload speed. Malayo sa unang ipinangako na aabot ng 15mbps kung P1599 ang binabayaran ng subsrciber.
Ilang business establishments at government offices na naka-subscriber rin sa PLDT Ultera ang umaaray na rin dahil limited lang ang website na kanilang nabibisita.
Isa sa mga hindi ma-access ng mga subsrcibers ay ang website ng Romblon News Network na kung saan maraming mga residente ng Odiongan ang bumibisita.
Ayon kay Paul Jaysent Fos, Senior News Correspondent ng Romblon News Network, nag-file na sila ng complaint sa PLDT Care kaugnay sa nangyayaring problema ng PLDT Ultera sa Odiongan.
“Nagbabayad naman kami, sana naman maganda ang kanilang serbisyo,” Ayon kay Fos.
Sinabi umano ng PLDT representative sa kanila nitong Miyerkules na papatingnan nila ang network sa bayan ng Odiongan para malaman ang problema.