Ilang estudyante at mga pasahero na ang nagrereklamo matapos na magkaroon ng pangit na karanasan sa mga bumabiyaheng tricycle o tribike sa bayan ng Odiongan.
Isa sa mga estudyante na nag post online ay isang estudyante ng Virginia Centurione Bracelli School, aniya, galing umano siya sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan at patungo sana sa kanyang paaralan ng may mapili sanang tribike.
Nagmamadali umano sana siya para hindi ma-late sa klase ngunit ilang tribike na kanyang tinawag ang ayaw siya ihatid patungong Virginia Centurione Bracelli School dahil sa may kalayuan ito.
Ayon naman kay Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) for the Sanguniang Bayan Lettie Mangango, may mga nagpadala na rin ng reklamo sa isa sa mga miyembro ng konseho na halos kahalintulad rin ng reklamo ng estudyante.
Ikinababahala umano ito ng ilang nakausap ng Romblon News Network na konsehal dahil sa malapit na ang MIMAROPA Festival na gaganapin sa Odiongan sa Nobyembre.
Patuloy namang kinukuha ng Romblon News Network ang reaksyon ng Transportation Committee Chairman ng Sanguniang Bayan ng Odiongan na si Diven Dimaala kaugnay sa mga reklamo.
Batay sa impormasyon na binigay ni SB Dimaala sa Romblon News Network nitong Mayo, aabot na umano sa halos 1,300 ang mga tricycle o tribike na bumabiyahe sa buong bayan ng Odiongan at mahigit sa 200 dito ay mga colorum.
Related Article: Mga tribike na walang prangkisa, hanggang May 31 nalang pwedeng bumiyahe