Masayang linisan ng grupo ng mga banyagang nag-aaral ng medisina nitong September 08, ang bayan ng Alcantara kung saan sila naging interns ng Rural Health Unit sa loob ng halos 20 days.
Ang mga nasabing dalagang banyaga ay mga mag-aaral ng Child Family Health International – University of California ay nasa Pilipinas para sa kanilang programang Interns for Remote Island Medicine Rotation.
Sa Alcantara, binigyang pansin nila ang Local Health System, Primary Health Care, Health Information System at Anti-Drug Campaign sa pangunguna ni Doc. Jobin Maestro, Municipal Health Officer ng bayan ng Alcantara.
Naging masaya rin ang experience ng grupo sa bansa simula nitong August 20, dahil naranasan umano nila ang sumama sa flag racing ceremony ng mga Pilipino at kinakanta pa ang pambansang awit ng Pilipinas. Umikot rin sila sa 12 Barangays ng bayan para bisitahin ang mga health stations.
Hindi rin umano nila maipaliwanag kung gaano sila kasaya sa pagtanggap at pakikisalamuha ng mga residente ng Alcantara sa kanila.