Isinagawa nitong Sabado, September 17 sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Romblon ang synchronized clean-up day.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Synchronized Cleanup Day batay sa Presidential Proclamation No.244.
Sa bayan ng Ferrol, nakiisa sa ang mga Barangay Officials ng Barangay Hina-oman sa paglilinis sa mga coastline na kanilang nasasakupan. Pinangunahan ito ni Barangay Captain Victor Rufon.
Sa bayan naman ng Cajidiocan, ang mga opisyal naman ng Cajidiocan Municipal Police Station, Barangay Cambalo, Barangay Health Workers, Tanod, kasama ang mga guro ng Cambalo Elementary School at Angel Rio Elementary School, at ilan mga 4P’s members ang nagsama-samang naglinis.
Naglinis ang grupo sa coastline ng Barangay Cambalo.
Sa bayan naman ng Alcantara, sabay-sabay na nagtanim ng puno ang grupo ng mga pulisya kasama ang mga drug personality na sumuko sa Oplan Tokhang.
Nagtanim ang grupo sa Barangay Camili, Alcantara, ng aabot sa 200 seedlings ng puno ng niyog.