Nag-abot ng assistance ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa sports program ng lokal na pamahalaan ng San Jose.
Personal na kinuha nina San Jose Mayor Ronnie Samson at Vice Mayor Ghel Zacarias ang assistance mula sa tanggapan ng PSC nitong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Samson, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang natanggap na assistance para sa pagbili ng mga kagamitan sa sports na gagamitin ng mga kabataan sa bayan.
Layunin nitong masuportahan ang mga sports activities at programa ng lokal na pamahalaan, partikular ang mga kabataang aktibong lumalahok sa iba’t ibang larangan ng palakasan.
Sinabi ni Samson na mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kagamitan upang mas maisagawa nang maayos ang mga training at sports activities ng mga kabataan.
Inaasahang mapapakinabangan ng mga atleta at sports enthusiasts sa San Jose ang mga kagamitang mabibili sa pamamagitan ng assistance, lalo na sa mga isinasagawang programa at aktibidad pang-sports ng lokal na pamahalaan.
Patuloy naman ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa PSC para sa mga programang maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng sports at pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa palakasan.



































Discussion about this post