• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, September 14, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Gov. Fabic, isinusulong ang integrated database, school safety at dagdag na proyekto para sa Romblon

    Gov. Fabic, isinusulong ang integrated database, school safety at dagdag na proyekto para sa Romblon

    8 restado, 57 LPG cylinders nasamsam sa magkakasunod na operasyon sa Romblon

    8 restado, 57 LPG cylinders nasamsam sa magkakasunod na operasyon sa Romblon

    Mga lider ng Indigenous Peoples sa Romblon, nagpahayag ng pagtutol sa large-scale mining sa Sibuyan

    Mayor Ramos sa gobyerno: Mamuhunan sa Sibuyan sa pamamagitan ng turismo

    3 arestado sa crackdown ng San Agustin MPS kontra iligal na bentahan ng LPG

    3 arestado sa crackdown ng San Agustin MPS kontra iligal na bentahan ng LPG

    Magnitude 4.0 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Magnitude 4.0 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    Suspek sa pamamaril sa Santa Fe, sumuko matapos ang ilang oras na manhunt operation

    Suspek sa pamamaril sa Santa Fe, sumuko matapos ang ilang oras na manhunt operation

    76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

    76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

    MIMAROPA mananatiling buo at nagkakaisa, iginiit ni Gov. Dolor

    MIMAROPA mananatiling buo at nagkakaisa, iginiit ni Gov. Dolor

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
No Result
View All Result
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Gov. Fabic, isinusulong ang integrated database, school safety at dagdag na proyekto para sa Romblon

    Gov. Fabic, isinusulong ang integrated database, school safety at dagdag na proyekto para sa Romblon

    8 restado, 57 LPG cylinders nasamsam sa magkakasunod na operasyon sa Romblon

    8 restado, 57 LPG cylinders nasamsam sa magkakasunod na operasyon sa Romblon

    Mga lider ng Indigenous Peoples sa Romblon, nagpahayag ng pagtutol sa large-scale mining sa Sibuyan

    Mayor Ramos sa gobyerno: Mamuhunan sa Sibuyan sa pamamagitan ng turismo

    3 arestado sa crackdown ng San Agustin MPS kontra iligal na bentahan ng LPG

    3 arestado sa crackdown ng San Agustin MPS kontra iligal na bentahan ng LPG

    Magnitude 4.0 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Magnitude 4.0 na lindol sa Antique, ramdam hanggang Romblon

    Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    Suspek sa pamamaril sa Santa Fe, sumuko matapos ang ilang oras na manhunt operation

    Suspek sa pamamaril sa Santa Fe, sumuko matapos ang ilang oras na manhunt operation

    76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

    76 na ang kumpirmadong nasawi sa sunog ng MV June Aster sa Coron

    MIMAROPA mananatiling buo at nagkakaisa, iginiit ni Gov. Dolor

    MIMAROPA mananatiling buo at nagkakaisa, iginiit ni Gov. Dolor

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed

Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

Panay, MIMAROPA at isang pangmatagalang direksiyon para sa mga isla ng Romblon

Rodne Galicha by Rodne Galicha
September 14, 2026
in Op-Ed
Reading Time: 64 mins read
53
0
Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

philatlas.com

Share on FacebookShare on Twitter

Ang mungkahing seryosong pag-aralan ang pagbabalik ng Romblon sa rehiyong kinabibilangan ng Panay ay nagbukas ng mahalagang diskusyon. May mga nagpapaalala sa matagal nang ugnayan sa MIMAROPA, Mindoro, Marinduque at Palawan. Mahalaga rin ang mga koneksiyon sa Batangas, Quezon at Metro Manila. Kasabay nito, maraming Romblomanon ang matagal nang pumupunta sa Panay para sa pag-aaral, pagpapagamot, negosyo, kalakalan at iba pang pangangailangan. Ang mga realidad na ito ang dapat suriin bago muling iguhit ng national government ang mga rehiyon at command centers sa mapa.

Ang pananaw na ito ay hinubog din ng humigit-kumulang 13 taong paglilingkod bilang Private Sector Representative at miyembro ng MIMAROPA Regional Development Council. Patuloy ding nakikilahok sa RDC ang Bayay Sibuyanon Inc. Sa mahabang panahong iyon, nabuo ang mahahalagang partnership at institutional relationships sa iba't ibang lalawigan ng MIMAROPA. Nakita rin mula mismo sa regional development process ang hamon ng pagpaplano para sa isang rehiyong binubuo ng magkakahiwalay na isla at mga lalawigang hindi naman iisa ang natural na direksiyon ng paggalaw ng tao at ekonomiya.

Hindi kabiguan ang MIMAROPA, at hindi rin pagtanggi sa Mindoro, Marinduque o Palawan ang pag-aaral sa ibang regional arrangement. Ang regional structure ay dapat umayon sa pangangailangan ng mamamayan, hindi ang mamamayan ang habambuhay na mag-adjust sa structure. Mahalaga kung saan aktuwal na bumibiyahe, nagpapagamot, nag-aaral, namimili, nagbebenta ng produkto, kumukuha ng serbisyo at naghahanap ng oportunidad ang mga Romblomanon.

May 302,824 residente ang Romblon ayon sa 2024 census, na nakakalat sa 17 munisipalidad at 219 barangay. Noong 2020, 308,985 ang populasyon. Hindi maaaring gamitin ang pagbaba ng populasyon upang magbigay ng iisang paliwanag, ngunit nararapat itong maging bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa oportunidad at kalidad ng buhay sa lalawigan. Para sa isang archipelagic province, may dagdag na presyo ang halos lahat: pamasahe sa barko, paghihintay sa pantalan, accommodation kapag walang return trip, pagdadala ng produkto at mga araw na nawawala sa trabaho para lamang makakuha ng serbisyong karaniwan nang naaabot sa pamamagitan ng kalsada sa ibang lalawigan.

Malaking pag-aalinlangan ang ibinubunga ng panukalang grouping ng Quezon, Marinduque at Romblon. Mahalaga ang Lucena at matagal nang ginagamit ang mga koneksiyong papuntang north, partikular ng ilang komunidad. Ngunit ang pagkakaroon ng rutang papuntang Lucena ay hindi sapat na dahilan upang doon iangkla ang buong Romblon. Ganoon din ang karanasan sa Calapan. Sa mapa ay bahagi ng iisang rehiyon ang mga lalawigan, ngunit para sa maraming Romblomanon, ang pagpunta sa regional center ay hindi simpleng biyahe. Kailangang sukatin ang accessibility mula sa Sibuyan, Romblon Island, Tablas at Tres Islas batay sa kabuuang pamasahe, oras, transfers at overnight stay—at ikumpara ito sa Roxas City, Caticlan, Kalibo, Iloilo, Batangas, Lucena at Metro Manila.

Hindi regional boundary ang tinatawid ng mamamayan. Dagat, oras at gastos ang tinatawid niya.

May bahagi rin ng development history ng Romblon na matagal nang hindi nabibigyan ng sapat na pansin. Sa loob ng maraming dekada, ang national development at transport planning ay higit na nakatuon sa mga koneksiyong papuntang north. Nandoon ang maraming government transactions, transport links at institutional arrangements. Dahil dito, naging karaniwang direksiyon ang Batangas, Lucena, Calapan o Metro Manila para sa maraming pangangailangan.

Hindi naman nangangahulugang walang daan papuntang south. Mayroon, at matagal nang ginagamit ang mga ito. Ngunit hindi nabigyan ng national government ng kapantay na investment at policy attention ang napakalaking potensiyal ng koneksiyon sa Panay—sa transportasyon, kalakalan, health care, edukasyon, turismo, agriculture, fisheries at logistics. Hindi nabuo ang mga koneksiyong ito bilang bahagi ng malinaw at pangmatagalang development strategy para sa Romblon.

Kung mas maagang sinuportahan ang maaasahang Romblon-Panay shipping, cargo at cold-chain routes, health referral systems, university partnerships, tourism circuits at interregional trade, mas marami sanang pagpipilian ang mga Romblomanon ngayon. Ang pagkiling ng public investment sa isang direksiyon ay nakaaapekto rin sa direksiyon ng negosyo, serbisyo at paggalaw ng tao.

Sa loob ng napakahabang panahon, itinulak ng sistema ang Romblon papuntang north. Hindi nabigyan ng kapantay na pagkakataon at suporta ang mga daan papuntang south.

May matibay na dahilan upang seryosong pag-aralan ang pagbabalik ng Romblon sa Panay o Western Visayas. Ang Caticlan at Kalibo ay natural na gateways para sa southern Tablas at Carabao Island. Ang Roxas City ay mahalagang koneksiyon para sa Romblon Island at Sibuyan. Nasa Iloilo naman ang malalaking merkado, unibersidad, specialized health services, professional services, paliparan at pantalan na maaari pang higit na mapakinabangan ng mga Romblomanon.

Hindi rin bagong ideya ang Panay-Romblon connection. Naging administratibong kaugnay ang Romblon sa Capiz, at noong 1966, sa pamamagitan ng Republic Act No. 4775, isinama mismo ng Kongreso ang Romblon sa saklaw ng Panay Development Authority. Maging ang linguistic geography ay mahalagang tingnan: mahigit 91 porsiyento ng mga sambahayan sa Romblon noong 2020 ang gumagamit ng Romblomanon o Ini, Onhan, at Bantoanon o Asi bilang pangunahing wikang sinasalita sa tahanan. Hindi awtomatikong nagtatakda ng regional affiliation ang wika, ngunit bahagi ito ng human geography ng kalakalan, edukasyon, kultura at pakikipag-ugnayan.

May konkretong pagbubukas na rin papuntang south. Ang Kapusod Imaw, na sinimulan sa Capiz at dinala sa Aklan, ay nagpatibay sa malaking potensiyal ng kooperasyon sa pagitan ng Romblon at Panay. Sa mga pag-uusap at ugnayang nabuo, lumitaw ang magkakatugmang interes sa fisheries at agriculture, turismo, kultura, transport at trade, biodiversity conservation, climate resilience at disaster preparedness. Hindi lamang heograpiya ang nag-uugnay sa dalawang panig ng Sibuyan Sea. Maraming larangan ang maaaring pagtulungan.

Maaaring maging pundasyon ang nasimulang ugnayang ito ng isang mas organisadong Panay-Romblon Economic, Social and Cultural Corridor—mula Capiz at Aklan hanggang sa mas malawak na pakikipagtulungan sa Iloilo, Antique at Guimaras. Maaari itong humantong sa mas maayos na shipping at cargo links, markets para sa farmers at fisherfolk, tourism circuits, health referrals, university partnerships, research at magkasanib na pangangalaga sa Sibuyan Sea.

May nabuksan nang daan papuntang south. Nakita na ang potensiyal. Panahon nang palawakin at patatagin ang kooperasyon.

Matagal ding nakasanayan na tingnan ang Romblon mula sa mapa ng ibang sentro. Mula sa Metro Manila, nasa ibaba ito. Mula sa Calapan, nasa malayong bahagi ng rehiyon. Mula sa Iloilo, nasa kabilang panig ng dagat. Ngunit kapag Romblon ang inilagay sa sentro ng mapa, ibang larawan ang lumilitaw.

Nasa north ang Southern Luzon. Nasa west ang Mindoro. Nasa south ang Panay. Nasa east ang Masbate at ang mas malawak na maritime network ng central Philippines.

Ang Romblon ay nasa gitna ng Pilipinas.

May praktikal na ibig sabihin ito. Kailangang ayusin muna ang koneksiyon sa loob mismo ng lalawigan habang pinalalakas ang mga gateway palabas nito. Mas maaasahang inter-island shipping, ligtas at climate-resilient na mga pantalan, angkop na sasakyang-dagat, cold-chain facilities at predictable schedules ang kailangan ng mga komunidad. Kapag nasira ang isda habang naghihintay ng barko, problema iyon sa connectivity at kabuhayan. Kapag hindi makarating sa tamang oras ang pasyente sa ospital, problema iyon sa access sa health care. Kapag mahal ang pagdadala ng produkto kaya maliit ang naiuuwi ng magsasaka, problema iyon sa ekonomiya.

May sariling realidad ang Tres Islas—Banton, Corcuera at Concepcion. Dapat panatilihin at palakasin ang kanilang koneksiyon papuntang north sa Mindoro, Batangas at Quezon habang pinabubuti rin ang koneksiyon papuntang south sa Tablas, Romblon Island at iba pang bahagi ng lalawigan. Kailangan nila ng regular na passenger at cargo services, ligtas na pantalan, emergency maritime transport, maaasahang telecommunications at resilient supply chains para sa pagkain, gamot at fuel. Maaari ring suportahan ang fisheries, climate-resilient agriculture, renewable energy, community-based tourism at maliliit na negosyo na angkop sa kapasidad ng maliliit na isla.

Ang Tres Islas ay hindi lamang dulong north ng Romblon. Maaari itong maging northern maritime gateway ng lalawigan.

Ang natural na koneksiyon ng Tres Islas papuntang north ay hindi dahilan upang hilahin papuntang north ang buong Romblon. Patunay ito na kailangan ng lalawigan ng maraming gateway at maraming pagpipilian.

Ganito rin dapat ang pagtingin sa serbisyo ng gobyerno. Matagal nang kapos ang Sibuyan sa madaling access sa maraming national government offices. May ilang ahensiya nang naglagay ng service centers sa San Agustin, at mahalaga iyon para sa mga komunidad na madaling makarating sa northern Tablas. Ngunit para sa mga taga-San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang, kailangan pa ring tumawid ng dagat. Hindi tunay na decentralization kung inilipat lamang ang serbisyo mula sa isang sentro patungo sa isa pang lugar na kailangan pa ring tawirin ng libo-libong mamamayan.

Dapat manatiling matatag ang Romblon bilang capital town at sentrong pampolitika at institusyonal ng lalawigan. May mahalagang papel ang Odiongan bilang commercial, educational, transport at service center. May papel ang San Agustin bilang maritime at government-service gateway. Ngunit ang Sibuyan, na may pinagsamang mahigit 62,000 residente sa San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang noong 2024, ay nangangailangan ng permanenteng national government service presence. Maaaring shared service center ito ng iba't ibang ahensiya, suportado ng digital services at regular na deployment ng technical personnel. Para sa Tres Islas, maaaring palakasin ang mobile, satellite at digital services.

Hindi kailangang magkaroon ng kumpletong opisina ang bawat ahensiya sa bawat isla. Hindi rin makatwiran na kailangang tumawid ng dagat ang mamamayan para sa halos bawat simpleng transaksiyon.

Ilapit ang gobyerno bago paglakbayin ang mamamayan.

Ang mas mahusay na connectivity ay kailangang may malinaw na lokal na ekonomikong direksiyon. Malaki ang puwang ng agriculture, fisheries, responsible tourism, renewable energy, natural at cultural heritage, sustainably managed marble at downstream industries. Hindi kailangang manatili sa copra ang niyog kung maaaring gumawa sa Romblon ng virgin coconut oil, pagkain, cosmetics at sabon. Ang isda at seaweed ay maaaring suportahan ng cold storage, processing at iba pang value-added industries. Mas malaking bahagi ng halaga at kita ang dapat manatili sa farmers, fisherfolk, cooperatives, artisans at local entrepreneurs.

Mahalaga rin ang pangmatagalang pamamahala sa marble industry. Ang marmol ay likas na yaman ngunit bahagi rin ng identidad at craftsmanship ng Romblon. Kailangang igalang ng quarrying ang watersheds, land-use plans, environmental limits, communities at disaster risks, kasama ang mahigpit na rehabilitation at transparent monitoring. Mas malaking halaga ang maaaring malikha sa lalawigan sa pamamagitan ng cutting, finishing, sculpture, furniture, architectural products at design kaysa sa pag-asa lamang sa paglabas ng hilaw o minimally processed na bato.

Iba ang bigat ng usapin sa large-scale metallic mining, lalo na sa maliliit at ecologically sensitive na isla. Ang nangyayari sa bundok at watershed ay umaabot sa ilog, sakahan, pamayanan, bakawan, bahura at fishing grounds. Ang ipinapangakong trabaho, kita at investment ay kailangang timbangin laban sa maaaring pangmatagalang epekto sa tubig, pagkain, biodiversity, kabuhayan at kakayahan ng mga komunidad na harapin ang climate change at mga sakuna.

Sa maliit na isla, walang “malayo” sa epekto ng pagmimina.

Partikular itong mahalaga sa Sibuyan. Ang kagubatan, watersheds, mga ilog, biodiversity at coastal ecosystems nito ay hindi lamang magagandang tanawin o environmental statistics. Dito nakasalalay ang tubig, pagkain, kabuhayan at natural protection ng mga komunidad. Mas makabuluhang palakasin ang sustainable agriculture at fisheries, local processing, renewable energy, biodiversity research and conservation, ecological at community-based tourism at mga negosyong nagbibigay ng pangmatagalang halaga sa mga taga-isla.

Hindi dapat maging extraction frontier ang isang islang ang pinakamahalagang yaman ay ang buhay at magkakaugnay na mga ecosystem nito. May mga lugar na kailangang kilalaning hindi angkop sa mapanirang extractive activities dahil sa biodiversity, watershed, food at water security, disaster risk at carrying capacity.

Ganito rin ang disiplina na kailangan sa turismo. Hindi kailangang gayahin ng Romblon ang mass-tourism models na maaaring hindi kayanin ng maliliit na isla. Ang Mount Guiting-Guiting at mga kagubatan at ilog ng Sibuyan, reefs at fishing grounds, mga baybayin ng Tablas at iba pang isla, ang historic at marble heritage ng capital town, at ang mga buhay na kultura at wika ng mga komunidad ang mismong puhunan ng lalawigan. Ang tourism development ay kailangang sumunod sa carrying capacity, water availability, waste management, coastal integrity at partisipasyon ng mga komunidad.

Kung sisirain ang lugar para lamang maibenta bilang destinasyon, ano pa ang maipapamana?

Mahalaga rin ang transparency, accountability at participation. Mas mahal at mahirap ang regular na physical inspection ng national agencies, media at independent watchdogs sa mga malalayong isla. Hindi ibig sabihin nito na corrupt ang mga proyekto sa Romblon, ngunit maaaring maging accountability vulnerability ang geographic isolation. Hindi dapat maging parking space for projects ang Romblon dahil mahirap puntahan at bantayan.

Kailangang madaling makita ng publiko ang halaga ng proyekto, contractor, specifications, procurement information, progress, variation orders at inspection findings. Maaaring magkaroon ng Romblon Open Development and Project Monitoring Portal, kasama ang independent technical validation at malinaw na papel para sa civil society, academe, media at mga komunidad. Farmers, fisherfolk, kababaihan, kabataan, persons with disabilities, workers, business sector at faith communities ay dapat makilahok habang pinagdedesisyunan pa ang mga proyekto at development priorities, hindi kapag tapos na ang mahahalagang desisyon.

Ang layo sa sentro ng gobyerno ay hindi dapat maging layo rin sa pananagutan.

Mas malawak kaysa regional affiliation ang kailangang direksiyon ng Romblon. Nararapat pag-aralan ng Kongreso ang isang Romblon Strategic Sustainable and Inclusive Development Act—isang 25 o 30 taong pambansang framework na mag-uugnay sa inter-island transport, mga koneksiyon papuntang Panay, Mindoro, Southern Luzon at Masbate, government services, health, education, sustainable agriculture at fisheries, downstream industries, sustainable marble, responsible tourism, renewable energy, biodiversity, cultural heritage, climate resilience at open democratic governance.

Dapat nitong itama ang matagal na imbalance sa national investment sa Romblon. Hindi dapat iisang direksiyon lamang ang pinauunlad. Ang mga oportunidad papuntang north, south, east at west ay kailangang tingnan bilang bahagi ng iisang archipelagic development strategy na nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng bawat isla.

Kasama rito ang seryosong pag-aaral kung makabubuti sa isang lalawigang may 17 munisipalidad na nakakalat sa maraming isla ang pagkakaroon ng dalawang congressional districts. Hindi lamang dagdag na posisyon sa politika ang dapat maging bunga nito. Kailangang magresulta ito sa mas malawak na representasyon, mas mahusay na legislative attention at oversight, at mas maraming ideyang naglalaban para sa ikabubuti ng lalawigan.

Marami sa mga hakbang na ito ay maaari nang simulan. Malaki ang maaaring gawin sa pamumuno ni Governor Trina Q. Firmalo-Fabic. May pundasyon nang maaaring palakasin. Ang Kapusod Imaw na sinimulan sa Capiz at dinala sa Aklan ay nagpakita na may mga pamahalaan, institusyon at komunidad sa magkabilang panig ng Sibuyan Sea na handang magtulungan. Maaaring dalhin ng provincial leadership ang nasimulang ugnayang ito sa mas konkretong economic, social, cultural at environmental cooperation, habang iginigiit sa national government ang infrastructure at policy support na matagal nang kailangan ng Romblon.

Hindi ito trabaho ng gobernador lamang. Kailangan ang Provincial Board, kinatawan ng Romblon sa Kongreso, mga mayor, national agencies, business sector, academe, civil society at mga komunidad. Kailangang magkaroon ang Romblon ng sariling malinaw na direksiyon sa halip na maghintay lamang kung saan ito ilalagay sa susunod na administrative map.

Maaaring manatili ang Romblon sa MIMAROPA. Maaari ring mapatunayan sa masusing pag-aaral na mas praktikal ang pagbabalik sa Panay. Anuman ang maging administrative arrangement, hindi kailangang isara ang ibang mga daan. Palakasin ang koneksiyon sa pagitan ng mga isla ng Romblon, panatilihin ang mga rutang papuntang north, palalimin ang partnership sa Mindoro, gawing mas matatag ang mga koneksiyon papuntang south sa Panay, at buksan ang mas malawak na pakikipagtulungan papuntang east sa Masbate.

Hindi kailangang isara ang mga daan papuntang north. Kailangang buksan din nang buong-buo ang mga daan papuntang south.

Sa loob ng maraming dekada, napilitang umangkop ang Romblon sa isang development geography na higit na nakatingin sa Luzon. Kailangang kilalanin ng national government ang heograpiyang matagal nang alam ng mga mangingisda, mandaragat, mangangalakal at mga pamilyang Romblomanon: hindi nagtatapos ang buhay at ekonomiya sa administrative boundaries. Ang dagat sa pagitan ng Romblon at Panay ay hindi puwang na naghihiwalay sa dalawang panig. Isa itong daan na hindi pa lubos na nabubuksan.

Kapag Romblon ang inilagay sa gitna ng mapa, nasa pagitan ito ng Luzon at Visayas, Mindoro at Panay, at ng mga rutang pandagat papuntang Masbate at sa mas malawak na central Philippines. Hindi dapat manatiling lalawigan ang Romblon na laging kailangang pumunta sa sentro ng iba. Maaari itong maging mahalagang sentro ng koneksiyon ng mga rehiyong nakapaligid dito.

Ang Romblon ay nasa gitna ng Pilipinas.

Hindi dulo ng MIMAROPA ang Romblon. Hindi rin ito simpleng dulo ng Luzon o mga islang nasa north ng Panay. Isa itong tahanang may maraming daan—papuntang north sa Southern Luzon, papuntang west sa Mindoro, papuntang south sa Panay, papuntang east sa Masbate, at sa pagitan mismo ng mga isla ng lalawigan.

Ang dagat ay hindi hangganan ng Romblon. Ang dagat ang daan nito.

Discussion about this post


Popular Stories

  • Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    Lalaki na diumanoy nagnakaw ng pera sa isang simbahan, arestado sa lamayan

    433 shares
    Share 173 Tweet 108
  • 3 arestado sa crackdown ng San Agustin MPS kontra iligal na bentahan ng LPG

    264 shares
    Share 106 Tweet 66
  • Suspek sa pamamaril sa Santa Fe, sumuko matapos ang ilang oras na manhunt operation

    781 shares
    Share 312 Tweet 195
  • Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

    1617 shares
    Share 647 Tweet 404
  • Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    57 shares
    Share 23 Tweet 14
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Mga guro sa Romblon, sinanay sa paggamit ng iPad sa pagtuturo

San Agustin MPS, nagbabala sa nagpapakilalang NPA na nanghihingi ng pera

90 PDL sa Romblon District Jail, nabigyan ng libreng serbisyong medikal

TRENDING FOR THE MONTH

Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

Supreme Court, pinagtibay nang pinal ang hatol laban kina VM Mariano Mateo at mga kasama

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up