Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Looc Municipal Police Station (MPS) at Alcantara MPS ang isang wanted person nitong tanghali ng Martes, September 15, sa Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong September 14, 2026 ni Executive Judge Edwin B. Buffe ng Regional Trial Court Branch 82 sa Odiongan, Romblon.
Ang warrant ay kaugnay ng kasong Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3946.
Itinakda ng hukuman sa ₱40,000 ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa Looc MPS para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso bago iharap sa hukuman.
Ayon kay PCOL Rexton Sawi, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang pagpapatupad ng mga kautusan ng hukuman at kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigan.
Hinikayat din ng Romblon PPO ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.



































Discussion about this post