Isang low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) malapit sa Corcuera, Romblon nitong Martes, June 17.
Hindi ito inaasahang magiging bagyo pero posible itong magdadala parin ng pag-uulan at pagbaha.
Ayon sa PAGASA, maaapektuhan ng nasabing weather system ang Romblon, ibang probinsya ng MIMAROPA, Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.
ADVERTISEMENT