Binigyang-diin ni Engr. Roger Fodra Jr., ang kahalagahan ng food security at suporta sa sektor ng agrikultura bilang pangunahing plataporma sa kanyang muling pagsabak sa pulitika. Ngayong halalan, si Fodra ay tumatakbo bilang alkalde ng Odiongan.
Ayon kay Fodra, nakatuon ang kanyang plano sa pagbibigay ng sapat na tulong sa mga magsasaka at mangingisda upang mapatatag ang produksyon ng pagkain sa bayan.
“Ang una ko na plataporma talaga ay food security and agriculture. Kung ‘yan ang priority ko, definitely, sisiguraduhin ko na ang suporta ng local government unit ay ibibigay namin, hangga’t kaya ng LGU, sa ating mga producers, farmers, [at] fisherfolks,” aniya.
Binigyang-diin din niya na ang pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain sa hapag-kainan ay may direktang epekto sa kalusugan at kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.
“Napaka-importante ang pagkain sa mesa. Bottomline nito, ang ating mga mamamayan ay magiging healthy. Kung walang pagkaing masustansya at tama sa ating mga mesa, ang problema ay dadami. Hindi lang sa gutom kundi sa ibang aspeto ng pamumuhay ay maapektuhan nito,” paliwanag niya.
Si Fodra ay dating bise alkalde ng Odiogan at naupo rin bilang alkalde nang palitan ay yumaong si Mayor Baltazar Firmalo.