Aabot sa 104 na magsasaka mula sa bayan ng San Andres ang opisyal na tumanggap ng kanilang Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), na nagbibigay-linaw at seguridad sa kanilang mga lupang sinasaka.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na pinalakas sa ilalim ng RA 11953, o mas kilala bilang New Agrarian Emancipation Act.
Sa bisa ng batas na ito, ang mga benepisyaryo ay binibigyan ng condonation sa kanilang mga pagkakautang tulad ng principal loans, unpaid amortizations, interes, at estate tax, upang tuluyang maangkin ang kanilang mga sakahan nang walang alalahanin sa mga bayarin.
Ang pamamahagi ng COCROM ay naglalayong bigyang laya at kakayahan ang mga magsasaka na mas mapakinabangan ang kanilang mga lupa, nang walang alalahanin sa mga buwis at iba pang obligasyon, upang mas mapaunlad ang kanilang kabuhayan at sektor ng agrikultura sa San Andres.