Arestado ang isang 51-anyos na lalaki na kinikilalang Top 1 Most Wanted Person sa MIMAROPA sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Romblon, Cajidiocan Municipal Police Station (MPS), at iba pang yunit ng Philippine National Police (PNP).
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 106, Sibuyan Island, Romblon kaugnay ng anim na bilang ng qualified rape sa isang minor.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado, kaya mananatili itong nasa kustodiya ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang paglilitis sa mga isinampang kaso.
Ayon sa Cajidiocan MPS, bahagi ang pagkakaaresto sa pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person at sa pagpapatupad ng batas sa bayan.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ang Cajidiocan MPS, sa pamumuno ni PCPT Mary Jade Gaca, ng mas pinaigting na police interventions at pagbabantay sa mga barangay na naitalang may mataas na bilang ng mga kaso ng panggagahasa upang makatulong sa pagpigil at pagsugpo sa naturang krimen.



































Discussion about this post