May magagamit nang mga sasakyan ang 13 barangay ng San Andres, Romblon sa pangangalap ng basura sa kanilang mga nasasakupan.
Ang pamamahagi ng mga chariot na sasakyan ay ginanap nitong Miyerkules sa pangunguna ni Mayor Arsenio Gadon.
Ayon sa press release ng San Andres Public Information Office, ang mga bagong sasakyan ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang solid waste management sa bayan, alinsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Ang batas na ito ay naglalayong magtatag ng mga epektibong pamamaraan sa pamamahala ng solid waste upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.
Sa pahayag ni Gadon, sinabi nito na ang ang mga sasakyan ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at mas malinis na bayan.