Natanggap kamakailan ng mga residente ng Odiongan, Romblon ang ayuda para sa kanila ng Department of Social Welfare and Development.
Ang 166 na residente ng bayan ay pinaghati-hatian ang P500,000 na pondo mula sa opisina ng ACT Teachers Partylist sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situations o AICS.
Ang AICS ay hiwala na programa sa AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program ngunit parehong nagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong kapos ang kakayahan.
Ang naturang programa ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga indibidwal na nakararanas ng krisis tulad ng sakit, aksidente, at iba pang pangangailangan na hindi inaasahan.
Ayon sa mga residente ng Barangay Rizal, malaki ang pasasalamat nila sa ayuda, lalo na’t nakatulong ito upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng mga hamon ng buhay. Ang tulong pinansyal na natanggap nila ay maaaring gamitin para sa kanilang mga gastusin sa kalusugan, pagkain, at iba pang pangangailangan sa araw-araw.