Magkatuwang na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau (EMB) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang pagsasagawa ng simultaneous clean-up activity sa rehiyon.
Ang gawain ay bilang bahagi ng selebrasyon ng World Oceans Day at Coral Triangle Day noong Hunyo 7.
Sakop ng nabanggit na aktibidad ang limang probinsya sa rehiyon na mayroong 15 lugar ng isinagawang clean-up.
Dumalo at nakilahok naman sa aktibidad ang nasa 1,000 indibidwal, kung saan nakalikom ang mga ito ng nasa 727 kilos ng basura sa buong rehiyon o may katumbas na 200 sako na nalikom sas kahabaan ng mga dalampasigan sa rehiyon na may sukat na 14,319 meters.
Ayon pa sa DENR, kabilang sa mga nalikom na basura ng mga ito ay karamihan ay mga single-use plastics katulad ng straw, plastic bags, spoons, PET bottles, upos ng mga sigarilyo, at mga lumang damit.
Bukod sa paglilinis ng kahabaan ng mga coastal areas sa rehiyon, naglagay ng 350 mudballs sa karagatan ang mga kalahok mula sa MGB, PENRO Palawan, at CENRO Puerto Princesa.
Ayon sa DENR, ang paglalagay ng mudballs sa mga katawang tubig ay nakatutulong upang malinis at mapaganda ang kalidad ng tubig dito sa pamamagitan ng mga micro-organisms na nasa loob ng mudballs. (JJGS/PIA MIMAROPA)